Mahaharap sa matinding laban sa gymnastics si Carlos Yulo ngayong araw.

Sinabi ni Cynthia Carrion-Norton, pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines na mayroong malalakas na kalaban itong kakaharapin mula sa iba’t ibang bansa.

Tiwala naman ito na kayang mahigitan ni Yulo ang nasabing event.

Nauna ng pumasok sa Top 8 si Yulo noong preliminaries kung saan ito ay nasa pang-anim na puwesto.

Nagkaroong ng hindi magandang performance ang 21-anyos na si Yulo sa rings, parallel bars, horizontal bar at pommel horse.

Ilan sa makakaharap nito ay sina Caio Souza ng Brazil, Ahmet Onder ng Turkey, Shek Wai Hung ng Hong Kong at Nicolau Mir ng Spain.