Nakipagkita umano si former Nissan boss Carlos Ghosn sa presidente ng bansang Lebanon na si President Michel Aoun matapos ang tagumpay nitong pagtakas sa Japan.
Ayon sa dalawang source mula sa kampo ni Ghosn, malugod na tinanggap ng pangulo si Ghosn sa kanilang bansa.
Dagdag pa nito na inabot daw ng halos tatlong buwan ang kanilang pagsasagawa ng plano upang itakas ang business tycoon mula Japan.
“It was a very professional operation from start to finish,” saad ng isang source.
Nagpasalamat naman daw si Ghosn kay Aoun dahil sa suportang ibinigay nito sa kaniya maging sa kaniyang asawang si Carole noong mga panahon na nasa kulungan pa ito.
Patuloy naman ang pagtanggi ng kampo ni Aoun na hindi totoong nagkita ang dalawa.