-- Advertisements --
Hindi nawawalan ng pag-asa si Pinoy boxer Carlo Paalam na makapasok sa Paris Olympics.
Ito ay kahit na bigo siya sa World Qualification Tournament na ginanap sa Busto Arsizo, Italy.
Napilitan kasi ang kampo nito na itigil ang laban sa round of 16 kay Kiaran MacDonald ng Great Britain sa men’s flyweight dahil sa shoulder injury.
Sinabi nito na mayroon pa itong injury na hindi gumagaling mula sa huling laban niya kay Andrey Bonilla ng Mexico na kaniyang tiniis subalit hindi na niya nakayanan.
Sa buwan ng Mayo ay may tsansa pa ito na makapasok sa Olympics kapag magwagi siya sa World Olympic Qualifiers na gaganapin naman sa Thailand.