-- Advertisements --
Humingi ng tulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga local chief executives sa paglaban kontra kurapsyon.
Isinagawa nito ang panawagan sa oath taking ng League of Cities of the Philippines’ executive board and the League of Municipalities of the Philippines’ national directorate.
Ayon sa pangulo na ang kurapsyon ay walang lugar sa kaniyang administrasyon.
Mula pa sa kaniyang unang araw ng pamamahala ay naging matindi na ang paglaban nito sa kurapsyon.
Giit nito na nasusukat ang mabuting pamamahala sa isang lugar kapag nararamadaman ito ng kanilang mga mamamayan sa kada araw.