-- Advertisements --

Nakapagtala ng pinsala ang ilang mga paaralan sa Davao Region bunsod ng tumamang magnitude 7.4 na lindol nito lamang umaga.

Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary at Deputy Administrator for Administration Bernardo Rafaelito Alejandro IV, nakapagtala ng damaged facilities ang Ateneo de Davao at ang Makua Malayan Colleges sa Davao City.

Maliban dito ilang mga imprastraktura rin gaya ng Francisco Bangoy International Airport ang nagkaroon ng mga cracks ngunit pagtitiyak naman ni Alejandro, nananatili pa rin itong operational sa gitna ng mga minor damages na ito.

Samantala, kasunod nito suspendido na ang mga klase sa Davao Region, Northern Mindanao at maging sa CARAGA Region.