-- Advertisements --

Nakatakdang italaga ng Blackwater bilang kanilang head coach si dating PBA star Jeffrey Cariaso.

Ayon kay Blackwater team owner Dioceldo Sy na kanilang papakawalan na si interim mentor Ariel Vanguardia na pumalit kay Nash Racela noong 2021.

Naging coach si Cariaso ng Converge FiberXers sa isang conference kung saan dinala niya ang koponan sa 2022 PBA Philippine Cup.

Sinabi ni Sy sa mga susunod na araw ay pormal ng pipirmahan ni Cariaso ang kontrata.