CAUAYAN CITY- Tinatayang nasa 75 Baboy na lulan ng isang truck ang nahulog sa bangin sa Barangay Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang tsuper ng truck ay si Felipe Villafuerte, 64 anyos, may-asawa at ang helper ay si Efren Gaspar, 41 anyos, may-asawa, kapwa residente ng Guiguinto, Bulacan.
Ayon sa ulat ng ng Diadi Police Station, hinihinalang nawalan ng preno ang sasakyan na dahilan upang mahulog sa bangin ang truck.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, habang binabaybay ng White Isuzu Giga Cargo truck ang pababang daan patungong Norte lulan ang 75 Baboy ay bigla na lamang nawalan ng brake o preno ang sasakyan dahilan upang hindi na makontrol ng tsuper ang sasakyan at dumiretso sa bangin
Kaagad namang dinala sa Diadi Emergency Hospital ang tsuper at helper ngunit inilipat din sa Region II Trauma and Medical Center (R2TMC) .
Karamihan sa mga baboy ang namatay dahil sa aksidente.