-- Advertisements --

Nagresulta sa malaking sunog ang pagbagsak ng isang UPS cargo plane ilang sandali pa lamang matapos mag-takeoff sa Louisville International Airport sa Kentucky hapon ng Martes, Nobiyembre 4, local time.

Tatlo ang kumpirmadong nasawi habang 11 iba pa ang nasugatan sa insidente. Pinangangambahang tumaas pa ang bilang ng casualty.

Base sa US shipping company, mayroon pang tatlong crew members na sakay ng cargo plane ang nananatiling unaccounted.

Ayon sa Federal Aviation Administration, biyaheng Hawaii ang UPS Flight 2976 nang mangyari ang trahediya. May karga itong 380,000 gallons ng fuel na may bigat na 220,000 pounds.

Ayon naman kay Luisville Metro Police Department chief Paul Humphery, hindi pa malinaw kung kailan magiging ligtas na isagawa ang imbestigasyon sa crash site dahil may mga delikadong bagay na nasusunog at posibleng sumabog.