-- Advertisements --

Patay ang isang caretaker ng lumang gusali sa Grace Park, Caloocan matapos na mabagsakan ng pader.

Nakilala lamang ang biktimang si “Jan-jan” na ito ay agad na namatay matapos madaganan ng pader.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyan isinasagawa ang building demolition at dahil sa patuloy na pag-ulan ay bumagsak ang pader ng three-storey building.

Nasugatan din ang apat na iba pang manggagawa kabilang na ang security guard sa lugar.