-- Advertisements --

Isa na namang doktor ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Nitong Abril 10 ay pumanaw si Dr. Roberto Anastacio, isang cardiologist sa University of Santo Tomas at sa Makati Medical Center.

Sa inilabas na pahayag ng Philippine Heart Center (PHC), kinumpirma nitong COVID-19 ang dahilan ng pagkasawi ni Anastacio.

Nagpaabot ang PHC ng pakikiramay sa mga naulila ng nasawing doktor.

Napag-alamang si Anastasio ay nagsilbi ring cardiologist ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.