-- Advertisements --

Makakapulong ni US President Joe Biden ang high-level emissary na ipinadala ni Pope Francis.

Nasa US kasi si Cardinal Matteo Zuppi kung saan sa araw ng Miyerkules ay magtutungo ito sa White House.

Isa sa nakatakdang talakayin nila ay ang usapin sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Pangunahing inaalala ngayon ng Vatican ang mga bata at mga sibilyan na naapektuhan ng mahigit isang taon na kaguluhan sa Ukraine.