Nai-turn over na ng Department of Agriculture (DA) ang mahigit P130 milyong halaga ng tulong pinansyal, kagamitan at mga proyekto sa irigasyon sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Sinabi ng ahensya na ang tulong ay inaasahang madaragdagan ang output ng gulay habang isinusulong din ang diversification ng pananim at pagpapabuti ng mga post-harvest facility upang patatagin ang kita ng mga magsasaka at supply ng gulay sa bansa.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. , kinikilala nila ang malaking kontribusyon ng Cordillera Region’s bilang ng halos 80% ng highland vegetables sa buong bansa.
Sinabi ng DA na may average na 400 metric tons ng gulay ang tinitrade araw-araw sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center .
Idinagdag ng ahensya na ang P130-milyong interbensyon ay magmumula sa Philippine Rural Development Project Scale-up ng DA na nag-invest ng P2.73 bilyon sa 104 na nakumpletong imprastraktura at enterprise subproject sa anim na probinsya na binubuo ng CAR.
Idinagdag niya na ang mga cold storage facility ay itatayo rin sa ilang mga lugar kabilang ang Benguet, La Union, Taguig City, Mindoro at sa Sariaya, Quezon para palawigin ang shelf-life ng highland vegetables.”
Samantala, kabuuang P25.9 milyon naman ang inilaan para sa rehabilitasyon ng mahigit 8,200 ektarya ng mga palayan na napinsala ng Bagyong Egay habang ang P82.9 milyong halaga ng produksyon ng palay at post-harvest equipment at pasilidad ay naibigay sa mga local government units sa Kalinga at Ifugao.
Mahigit P41.2 milyong halaga ng mga natapos na proyekto ng patubig ang ibinigay din sa mga asosasyon ng mga irrigator ng CAR