Sinampahan na ng kasong second-degree murder ang aktres na mayroong minor role sa “Captain America: The First Avenger.”

Ito’y matapos maaresto ang American actress na si Mollie Fitzgerald kahapon kasunod ng pagkakatuklas ng mga otoridad sa bangkay ng ina nitong si Patricia Fitzgerald, 68-anyos, sa kanilang bahay sa estado ng Kansas noong nakaraang buwan.

Sinasabing namatay sa saksak ang biktima.

Sa record ng Johnson County Sheriff’s Office, maaaring makapagpiyansa si Fitzgerald sa halagang $500,00.

Itinakda ang susunod niyang court appearance sa darating na January 9.

Ang 38-anyos na si Fitzgerald ay gumanap bilang si “Stark Girl” sa pelikulang pinagbidahan ni Chris Evans noong 2011. (CNN / screen grab picture from dailymail)