ROXAS CITY – Kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO na nagnegatibo sa Real Time-Polymerase Chain Reaction o RT-PCR test ang Capizeño na itinuro ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na humawa anim na medical doctors na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa St. Paul’s Hospital sa naturang lungsod.

Ayon kay PDRRMO-Head Judy Grace Pelaez, nagpalabas na rin ng official statement ang Capiz Provincial Health Office patungkol dito.

Nilinaw din ni Pelaez na walang travel history at exposure sa COVID-19 positive ang naturang pasyente.

Samantala, hindi pa matukoy ni Pelaez ang pagkakaaksidente ng pasyente kung kaya dinala ito sa nabanggit na ospital sa Iloilo upang magamot.