CANNES
cannes film festival

Ipinagpaliban ang Cannes Film Festival ngayong taon dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa organizer, ililipat na lamang ito sa Hunyo o Hulyo imbes na sa Mayo 12 hanggang 23.

Napagdesisyunan na nila ang nasabing paglilipat ng petsa bago pa man ipatupad ang lockdown sa France.

Napili naman bilang hurado ang American film director na si Spike Lee ngayong taon na siyang kauna-unahang black person sa kasaysayan ng 73-taon ng festival.