-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actress na si Charbi Dean sa edad na 32.

Kinumpirma ito ng kaniyang kampo kung saan sa isang pagamutan sa New York City na ito nalagutan ng hininga dahil sa karamdaman.

Hindi naman na nagbigay pa ang kampo nito kung ano ang sakit ng actress.

Isa sa malaking pelikula nitong nagawa ay ang “Triangle of Sadness” kung saan nakakuha ito ng pagkilalla sa Cannes Film Festival.

Ilan sa mga pelikula din na kaniyang pinagbidahan ay ang “Blood in the Water” , “Don’t Sleep” at maraming iba pa.