Humigit-kumulang sampung linggo bago ang nakatakdang laban, naka-pokus ngayon ang batikang boksingero na si Canelo Alvarez sa kaniyang cardio workout.
Nakatakdang labanan ni WBO light heavyweight Champion Canelo Alvarez ang mas batang Middleweight boxer na si Jermell Charlo sa Setyembre 30, sa Las Vegas.
Ayon sa kampo ni Alvarez, puspusan na ang cardio-training ng batikang boksingero dahil sa isa ito sa mga nakikita nilang magiging kahinaan niya sa nasabing laban.
Ilan sa mga cardio workout nito ay ang wind sprint at pagtakbo sa mga matatarik na burol. Naniniwala kasi ang kampo ni Alvarez na kung gusto niyang sabayan ang batang kalaban ay mas angkop ang mga nasabing training kumpara sa simpleng jogging na ginagawa.
Bagaman, nagawa na ni Canelo na maipanalo ng 59 na kanyang naunang laban, hindi lingid ang kanyang problema sa stamina, lalo na sa mga huli nitong laban.
Sa kasalukuyan, hawak ni Alvarez ng record na 59 – 2 – 2. Tatlumpo’t-siyam dito ay pawang mga knockout wins.
Hawak naman ni Jhermell Charlo ang 35 – 1 – 1 na boxing record kung saan 19 dito ay pawang mga KO.
Inaasahan ng mga boxing analysts na magiging fast-paced match ang laban ng dalawang batikang boksingero.