BRYAN ADAMS
-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang Canadian singer na si Bryan Adams.

Nalaman na lamang nito ang pagpositibo habang ito ay nasa Italy.

Nagtungo ito kasi sa Milan para i-promote ang kaniyang Pirelli 2022 calendar na kaniyang kinuha bilang isa ring photographer.

Ito na aniya ang pangalawang pagpositibo niya sa nasabing virus.

Pinasalamatan niya ang kaniyang mga fans na nagpaabot ng pagdarasal para sa mabilisang paggaling nito.

-- Advertisement --