-- Advertisements --

Tinanggal na ng Canada ang mandatory COVID-19 testing requirementssa mga manggagaling sa China, Hong Kong at Macao.

Ayon sa Public Health Agency ng Canada, nakita nila na bumaba na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa nabanggit na mga bansa.

Gaya aniya sa ibang bansa na tinanggal na ang mandatory COVID-19 testing requirement kaya ipinatupad na rin nila ito.

Magugunitang mula pa noong nakaraang taon ay hinigpitan ng Canada ang requirements sa mga nanggagaling sa China dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.