-- Advertisements --
Canada vaccine covid

Sinimulan na rin ng Canada ang pagpapaturok ng COVID-19 vaccines sa kanilang mamamayan.

Unang naturukan ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNTech ang isang nurse na si Anita Quidangen mula sa Toronto.

Isa lamang siya sa limang unang mababakunahan sa first round ng vaccination.

Ang unang 30,000 doses ay ipapamahagi sa 14 na lugar sa Canada na magiging prayoridad ang mga may edad na at mga healthcare workers.