-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Canada ang mandatory COVID-19 testing sa mga turista at biyahero na manggagaling sa China.
Ayon sa Public Health Agency ng Canada na magtatagal ng hanggang Abril 5 ang pagrequire nila ng negative COVID-19 test results.
Bukod sa China ay ire-require din ang nasabing negative COVID-19 test sa mga galing ng Hong Kong at Macau.
Magugunitang unang ipinatupad ito mula Enero 5 hanggang 30 subalit ito ay kanilang pinalawig.