-- Advertisements --

Nagpakalat na ng mga sundalo ang Canada para sa papapalikas sa mga residente dahil sa pananalasa ng wildfire.

Sinabi ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na mahalagang gumamit ang puwersa dahil marami pa ring mga residente ang nagmamatigas na ayaw umalis sa nasabing lugar.

Ang sunog kasi sa McDougall Creek ay nakasnentro sa Kelowna city.

Aabot sa 35,000 na mga residente sa nasabing lugar ang pinalilikas na.

Tiniyak naman ni Trudeau na magpapadala sila ng tulong sa mga residente ng British Colombia.