-- Advertisements --
VANCOUVER AIRPORT

Inanunsyo ng liberal government ng Canada na pagsapit ng taong 2026 ay magtatakda na ito ng immigration cap sa kanilang bansa.

Ito ay sa gitna ng kinakaharap na mataas na inflation at housing crisis ng natturang bansa.

Ayon kay Canadian Immigration Minister Marc Miller, ngayong taon ay tinatarget ng Canada na magpatuloy ng nasa 465,000 na mga bagong residente, habang nasa 485,000 naman sa susunod na taong 2024, at 500,000 naman sa taong 2025 na pananatilihin naman ng pamahalaan nito hanggang sa taong 2026 at sa susunod pang mga taon.

Aniya, layunin nito na makatulong na itakda ang bilis ng paglago ng ekonomiya at populasyon Canada, habang pinapabagal ang epekto nito sa mga critical systems tulad ng mga infrastructure at housing.

Samantala, kaugnay nito ay sinabi naman ng Royal Bank of Canada na kasabay ng planong ito ng Canada na magtatag ng immigration cap sa kanilang bansa ay kakailanganin pa rin nito ng mga long term immigrants.

Ito ay sa kadahilanang hindi magiging sapat sa annual immigrant intake ang 1.3% ng population nito para sa pag i-stabilize ng age structure population ng naturang bansa na nangangailangan ng 2.1% ng immigration, bagay na nagsisilbing pagsubok din sa nasabing bansa.

Kung maaalala, noong nakaraang taon ay lumobo ang bilang ng mga immigrants sa Canada na nagdulot ng mabilis na paglago ng populasyon nito noong nakaraang taon na naglagay sa nasabing bansa sa top 20 fastest growing countries sa buong mundo.