Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Hindi natinag ng malakas na ulan ang mga Bicolano sa pagsalubong sa mga bagong reyna na itinanghal sa Miss Bicolandia 2019.

Itinanghal na Miss Bicolandia ng taon ang tubong-Naga City, Camarines Sur na si Paulina Labayo.

Nauwi naman ni Rein Hillary Carrascal ng Sorsogon ang 1st Runner-Up crown; habang 2nd Runner-Up si Rheema Adakkoden na mula rin sa Camarines Sur; habang 3rd Runner-Up si Vannesa Mae Buitre ng Legazpi City, Albay.

Nasa 4th Runner-Up spot naman si Danice Theresa Sheen Dilla ng Iriga City, Camarines Norte.

Aabot sa 19 na kandidata ang naglaban-laban sa korona ng Miss Bicolandia.

Bukod sa naggagandahang mga Bicolana, nagningning din ang Jesse M. Robredo Coliseum dahil sa ilang personalidad na dumalo gaya nina Miss Universe 2011 3rd Runner-Up Shamcey Supsup; Miss Grand International 2016 1st Runner-Up Nicole Cordova at Robi Domingo.

Pati ang young actor na si Gab Lagman at Asia’s Got Taleng finalist Junior New System ay naki-celebrate din.

Bahagi ng taunang Penafrancia Festival sa Naga City ang natuang patimpalak.

Ilan sa mga kilalang beauty queen na produkto sina Miss Universe 2010 4th Runner Maria Venus Raj; Miss International – Philippines 2011 Dianne Necio at Miss International – Philippines 2019 Melody Gersbach.