Nagpasaklolo sa kaniyang mga fans ang actress na si Camille Prats matapos na pasukin ng hackers ang kaniyang Facebook page.

Sa kaniyang Instagram account, pinayuhan niya ang kaniyang mga fans na huwag ng pansinin ang anumang nakalagay sa kaniyang FB page dahil ito ay na-hack.

Nanawagan ito na kung maari siyang tulungan para maibalik ang kaniyang FB page.

Dagdag pa nito na pansamantala lamang muna itong iblock o i-unlike ang nasabing FB page.