-- Advertisements --
cali wildfire

Sinisi ni US President Donald Trump ang umano’y palpak na forest management ni Democratic governor Gavin Newsom dahil sa malawakang pagkasunog ng kagubatan sa California.

Sa huling tala, umabot na sa 100,000 ektarya ng gubat ang nasira dahil sa wildfire nitong nagdaang linggo habang libo-libong pamilya naman ang napilitan na lisanin ang kanilang kabahayan sa takot na madamay ang mga ito.

Pagbabanta ni Trump, ititigil daw nito ang federal funding para sa California dahil aniya ay paulit-ulit na lamang daw ang nangyayari at tila wala siyang nakikitang progreso sa nasabing estado.

Matagal nang paniniwala ni Trump na ang tanging solusyon lamang sa naturang sunog ay ang paglilinis ng forest floors ng California.

Noong Abril ay nangako ang Federal Emergency Management Agency (FEMA) na magbibigay ito ng $500 million o halos 25 trillion pesos bilang tulong sa mga naapektuhan ng sunog noong nakaraang taon.

Hindi naman nagpahuli si Newsom at sinabihan ang American president na huwag nang makialam sa naturang paksa dahil hindi naman daw ito naniniwala sa climate change.

Resulta ang wildfire nang mabilis na pag-init ng temperatura na sanhi naman ng global warming.