Reading Time: 1 minute
cali boat fire 2

Ikinababahala ngayon ng nakararami na ang posibleng dahilan umano ng pagkasunog ng isang bangka sa Southern California ay dahil sa kakulangan nito ng safety measures.

Ayon sa preliminary investigation na isinagawa ng mga otoridad, wala raw “roaming night watchman” na sana ay magbabantay at magbibigay babala sa mga pasahero.

Kinuwestiyon din sa naturang imbestigasyon kung dumaan sa adequate training o safety briefing ang mga crew.

Nabatid din ni Jennifer Homendy, tagapangasiwa ng National Transportation Safety Board’s Investigation, hindi umano nakarinig ng smoke alarm ang isa sa naka-survive na crew member.

Ang pagkasunog ng The Concepcion ay nag-iwan ng 34 katao patay.