Patuloy na nakakaapekto sa Northern at Central Luzon nitong araw ang Amihan, na magdudulot ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora, ayon sa PAGASA.
Maari rin itong magdulot ng malakas na hangin lalo na sa mga coastal at bulubundukin na mga lugar.
Ang Metro Manila, Ilocos Region at nalalabing bahagi ng Central Luzon naman ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rains dahil pa rin sa Amihan.
Samantala, ang tail end of a cold fron naman ay magdudulot din ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan at isolated thunderstorms sa CALABARZON, Bicol Region, Mindoro, Marinduque, Romblon at Samar.
Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagkakaroon ng flashfloods o landslides sa oras na maging malakas ang mga pag-ulan sa naturang mga lugar.
Samantala, ang Palawan, Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas ay makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorm.
Maari rin, ayon sa PAGASA, na magkaroon ng flashfloods at landslides kapag magkaroon ng thunderstorms.