CAGAYAN DE ORO CITY – Papanagutin ng militar ang isang miyembro ng CAFGU na namaril ng kanyang kasama sa Sitio Inayaman, San Jose, San Fernando, Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Jeckson Necor habang ang biktima naman ay si Superal Andumao, 24, nakatira sa Purok 3, Brgy Bugca sa nasabing bayan.

Sinabi ni Lt. Col. Norman Valdez, commanding officer ng 56th Infantry Battalion Philippine Army na may problema umano sa pamilya ang suspek at biglang namaril gamit ang M-16 rifle.

Ligtas na ang biktima matapos maipagamot ang tama nito sa kanyang likuran.