KORONADAL CITY – Nakakulong na ngayon ang isang kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na tumutulong sa pagtugis sa mga local Islamic State-inspired group matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng iligal na droga.

Kinilala ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-12 Director Naravy Duquitan ang suspek na si Jhien Sumapal, 45-anyos, residente ng Pikit, North Cotabato.

Nahuli ang suspek matapos na nakipagtransaksiyon sa isang PDEA agent kung saan nakuha sa kanya ang halos P400,000 halaga ng shabu.

Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Philippine Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.