CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang senior citizen at menor de edad sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga nasawi na sina Martino Roben, 63 anyos, kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa ilalim ng 90th Infantry Battalion Philippine Army at si Archie Pableo 13 anyos at Grade 7 student.
Sugatan naman si Felix Pableo,mga residente ng Barangay Bualan Pikit Cotabato.
Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos na habang sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo mula sa isang basketball tournament papauwi na ng kanilang tahanan.
Ngunit pagsapit nila sa Sitio Upper Barangay Tapodoc Aleosan Cotabato ay pinagbabaril sila ng mga hindi kilalang suspek gamit ang M16 Armalite rifles.
Agad tumakas ang mga suspek nang matunugan nila ang mga nagrespondeng mga sundalo at mga pulis.
Patay on the spot ang mga biktima nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Mariin namang kinondena ng LGU-Aleosan at pulisya ang pananambang sa mga biktima.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Aleosan PNP sa pananambang sa mga biktima.










