-- Advertisements --
Pormal ng itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang kalihim ng Department of Migrant Workers si officer-in-charge Hans Leo Cacdac.
Ito mismo ang kinumpirma ng Malacanang matapos ang isang taon na pamumuno ni Cacdac bilang officer-in-charge noong Abril 8. 2023.
Ayon kay Pangulong Marcos na ang letter of appointment kay Cacdac na may petsang Abril 25 na ang desisyon ay isinagawa base sa Article VII ng 1987 Constitution.
Magugunitang itinalaga si Cacdac bilang OIC ng DMW matapos ang pagpanaw ni Secretary Susan Ople noong Agosto 2023.