Ipinagbabawal pa rin ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa layong 10,000 talampakan mula sa ibabaw ng bulkang Taal at Mayon sa gitna ng unrest sa nasabing mga bulkan.
Kayat inaabisuhan ang mga piloto ng mga eroplano na iwasang lumipad malapit sa bunganga ng bulkan dahil ang abo mula sa biglaang phreatic eruptions ay mapanganib.
Nauna nang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang alerto sa Bulkang Mayon sa Alert Level 2 dahil sa pagtaas ng rockfall mula sa summit lava dome ng bulkan.
Samantala, nanatili naman ang Taal Volcano sa Alert Level 1.
Gayunpaman, ang pinakabagong mga ulat ay nagpakita ng mas mataas na aktibidad ng degassing sa bulkan na nagdulot ng steam-rich plumes na tumaas ng 3,000 metro sa itaas ng Taal Volcano Island.
Lumikha ito ng volcanic smog o vog sa Taal Caldera na nakaapekto sa mga munisipalidad ng Balete, Laurel, at Agoncillo sa lalawigan ng Batangas.