-- Advertisements --
Iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang naitalang pinsala sa mga paliparan lalo na sa mga lugar sa Luzon na naapektuhan ng tumamang magnitude 6.3 na lindol sa lalawigan ng Batangas.
Ito ay matapos ang isinagawang inspeksiyon sa mga paliparan gaya ng San Jose at Calapan airports, Jomalig Airport, Lubang Airport, Mamburao Airport, Pinamalayan Airport, Sangley Airport at Subic Airport.
Sa kabila nito, nananatiling naka-standby pa rin ang ahensiya para sa precautionary measures partikular na at nagbabala ang Phivolcs ng inaasahang aftershocks.