DAVAO CITY – Magpapatupad ng karagdagang seguridad ang Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) Davao sa screening procedure sa mga pasahero sa Davao International Airport, ito’y matapos ang insidente na may isang vlogger ang nakalusot at nakasakay sa eroplano gamit ang isang peke na identification card.
Ayon kay CAAP Davao manager Rex Obcena, dinagdagan nila ang layer of security na ipinatupad sa pagsusuri ng boarding pass, valid boarding pass at government ID ng mga pasahero sa nasabing paliparan.
Ipapatupad ang intensified security measure sa 2nd floor papuntang boarding pass sa Davao International Airport. Maalalang nakalusot sa Police Aviation Security Unit ang isang vlogger matapos itong gumamit ng peke na Identification Card sa isang Airline Companay kung kaya’t nakalusot ito at nakasakay pa ng eroplano.
Pagpasok umano nito sa eroplano ay kaagad na nag anunsyo na hindi siya pasahero ng nasabing biyahe na naging dahilan naman ng pagka delayed ng flight. Napag alamang walang ticket at boarding pass ang nasabing vlogger na nahaharap ngayon sa kasong falsification by private individual and use of falsified documents sa ilalim ng Article 172 of the Revised Penal Code.