Nakipagsanib-puwersa ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Philippine Coast Guard (PCG) na naglalayong palakasin ang kanilang koordinasyon at interoperability sa pagprotekta sa teritoryo ng bansa.
Sinabi ni Marlene I. Singson, CAAP assistant director general for Air Traffic Service (ATS), ang industriya ng ating bansa ay may natatanging pagkakataon na magtulungan sa iba’t ibang larangan habang pinangangalagaan at pinangangasiwaan ang himpapawid at karagatan ng Pilipinas.
Sa pamamagitan aniya ng pagsasama-sama ng expertise at resources maaari isulong ang pagbuo ng mga napapanatiling kasanayan at solusyon na nakikinabang hindi lamang sa mga sektor kundi pati na rin sa iba pang bahagi ng bansa.
Ang mga pahayag ay pinangunahan nina PCG Aviation Force Acting Commander Captain Dino B. Garcia at PCG Commandant Artemio M. Abu.
Nangako ang dalawang panig na kanilang gagawin ang lahat partikular na ang kanilang tungkulin upang protektahan ang ating bansa.