-- Advertisements --
PIA Bohol Tourism workers local guide

Umabot na sa P404 billion peso ang nakulektang revenue sa ilalim ng Kagawaran ng Turismo sa unang sampung buwan ng 2023.

Ito ay mas mataas ng 190% kumpara sa nakulektang buwis sa unang sampung buwan ng 2022 kung saan umabot lamang noon sa P138.46.

Ang mataas na koleksyon ng buwis sa sektor ng turismo ay dahil na rin sa mataas na bilang ng mga bumisita dito sa PIlipinas.

Batay kasi sa datus ng naturang ahensiya, umabot na sa 4.63 million katao ang naitalang bumisita sa bansa mula Enero hanggang nitong buwan ng Oktubre.

Ito ay katumbas na ng 96% ng kabuuang target ng ahensiya na maabot na bilang ng turista para sa buong 2023.

Batay sa datus ng pamahalaan, ang sektor ng turismo ang ikalawang economic driver ng Pilipinas para sa unang kalahating bahagi ng 2023.

Samantala, noong nakalipas na taon ay umabot sa 2.65 million na dayuhan ang bumisita sa Pilipinas habang 102 million domestic trips naman ang naitala sa mga lokal na turista.