-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan din ng top team sa Eastern Conference na Miami Heat makaraang tambakan ang Atlanta Hawks sa Game 4 kanina, 110-86.

Sumandal ang Miami sa opensa ni Jimmy Butler na nagpakawala ng 36 points, 10 rebounds at four assists sa kanyang all-around game.

Malaki rin ang kontribusyon ni Gabe Vincent na may 11 points kasama na ang tatlong 3-pointers upang punan ang pagkawala ng kanilang star pointguard na si Kyle Lowry.

Sinasabing dumanas ng strained hamstring si Lowry nitong nakalipas na Sabado sa kanilang pagkatalo rin sa Hawks.

Ang Atlanta superstar na si Trae Young ay hindi na naman nakaporma sa matinding depensa na inilatag ng Miami na meron lamang kakarampot na nine points at umabot pa sa lima ang turnovers.

Kabilang sa Vincent sa naghabol kay Young para sa epektibong defensive effort.

Sa ngayon abanse na sa 3-1 sa best-of-seven-series ang Miami at maaring tapusin ang serye sa Game 5 doon sa kanilang teritoryo sa Miyerkules.