-- Advertisements --
image

Ilang oras bago ang pagsalubong ng Bagong Taon, hindi na umabot pa sa taong 2023 ang 15 katao na namatay sa nangyaring aksidente sa Mexico.

Patay ang mga biktima matapos ang bus na kanilang sinasakyan ay tumaob at bumagsak.

Ang mga biktima ay mga turista pabalik sa lungsod ng Leon sa centrak state ng Guanajuato nang mangyari ang aksidente sa estado ng Nayarit.

Napag-alaman na nasa 48 pasahero sa bus nang mangyari ang madugong aksidente.

Patuloy pa na iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng aksidente.