-- Advertisements --
Naayos na ng kaanak ng namayapang si Soviet leader Mikhail Gorbachev ang burol at libing nito.
Ayon sa anak nitong si Irina, magsasagawa ng funeral ceremony sa Setyembre 3 sa Moscow Hall of Columns.
Matapos ito ay ibuburol siya sa kilalang Novodevichy cemetry sa darating Setyembre 3.
Magugunitang pumanaw ang 91-anyos na huling soviet leader dahil sa hindi pa malamang sakit nitong Agosto 31.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang lider ng bansa matapos na mabalitaan ang pagpanaw ni Gobachev.
Si Gobachev ang sinasabing nagtapos sa cold war ng walang dugong dumanak at siya ang dahilan ng paghihiwalay ng mga bansa ng USSR.