-- Advertisements --

Magiging para lamang muna pansamantala sa mga malalapit na kaibigan at kaanak ang burol ng namayapang si Lydia De Vega-Mercado.

Ayon sa anak nito ng si Steph Mercado de Koeningswarter, na nakaburol ngayon ang labi ng tinaguriang sprint queen ng bansa sa Heritage Park sa Taguig City at magsisimula ang pagtanggap ng mga bisita mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Humihingi ng pang-unawa ang pamilya sa mga fans ng namayapang si De Vega na kanilang iaanunsiyo sa mga susunod na araw kung kailan magsisimula ang public viewing.

Magugunitang pumanaw ang legendary athlete ng bansa nitong nakalipas na Agosto 10 ng gabi.