-- Advertisements --
chinese
Passengers wear protective masks to protect against the spread of the Coronavirus as they arrive on a flight from Asia at the Los Angeles International Airport, California, on January 29, 2020. – A new virus that has killed more than one hundred people, infected thousands and has already reached the US could mutate and spread, China warned, as authorities urged people to steer clear of Wuhan, the city at the heart of the outbreak. (Photo by Mark RALSTON / AFP)

Tiniyak ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na handa ang kanilang mga tauhan sa iba’t ibang airports at seaports para ipatupad ang posibleng travel restrictions para sa mga pasahero mula sa bansang China.

Ang naging pahayag ng Immigration bureau ay kasunod na rin ng mga lumabas na report na mayroon na namang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) surge sa China.

Ito ang naging daan para magpatupad na ang ilang basan nang mas mahigpit na mga restrictions.

Ang South Korea, Italy, Japan, India at United States ay nagpatupad na rin ng mga requirement ng Covid-19 testing ng mga inbound passengers mula sa bansang China.

Isinama naman ng Estados Unidos ang testing para sa mga travelers mula Hong Kong at Macau dahil sa kawalan ng adequate at transparent Covid data.

Inire-require din ng Malaysia ang temperature screening checks para sa fever para sa mga pasaherong mula sa China.

Ang mga mayroong sintomas ay ipapadala naman sa quarantine center o sa mga health authorities.

Kaya naman sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco habang hinihintay pa nila ang direktiba mula sa Department of Health (DoH) ay siniguro naman nitong handa ang Immigration na tumalima sa ano mang direktiba ng pamahalaan kaugnay ng naturang isyu para maiwasan ang paglaganap ng naturang virus sa bansa.

Kung maalala, sa kasagsagan ng pandemic noong 2019, nahpatupad ang Bureau of Immigration ng country-specific travel bans para mapigilang makapasok sa bansa anf iba’t ibang variants ng naturang virus.

Iniulat din ng Immigration na nasa 30,002 Chinese tourists ang nakapasok sa bansa noong 2022.

Ang bilang ay 0.48 percent lamang ss mga naitalang arrivals ng mahigit 6.1 million travelers noong nakaraang taon.

Kamakailan lang nang ipinanukala ni Transportation Secretary Jaime Bautista na i-require sa mga travellers mula sa China na sumailalim sa testing habang pinag-aaralan naman ang safety measure.