-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ng Bureau of Immigration (BI) ang talamak na paggamit ng mga pekeng overseas employment certificates ng mga returning overseas Filipino Workers.

Ayon kay BI spokesperson Melvin Mabulac na kadalasan na gumagamit nito ay yung mga narecruit online.

Hindi na basta nakakalusot ito ngayon dahil sa mahigpit ang border control ng Department of Migrant Workers para mabantayan ang mga pekeng dokumento ng mga OFW.

Binalaan din nito ang mga OFW na may karampatang parusa ang sinumang OFW na mahuling gumagamit ng mga pekeng dokumento.