Pinagbabawalan ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na nakatalaga sa mga daungan sa buong bansa na makapag-leave sa gitna ng peak season.
Ito ang inihayag ni BI Commissioner Norman Tansincgo, bilang pag-asam sa pagdagsa ng mga pasahero sa panahon ng Kapaskuhan.
Sinabi ni Tansingco na ang bureau ay nagpatupad ng “no holiday break” na patakaran upang matiyak ang sapat na man-power upang maglingkod sa mga manlalakbay sa panahon ng kapaskuhan.
Hindi aaprubahan ng BI ang mga aplikasyon para sa vacation leave sa loob ng dalawang buwan o hanggang Enero 15, 2024.
Ayon kay Tansingco, ito ang panahon ng taon kung kailan dumarami ang mga pasahero sa mga paliparan habang ang mga overseas Filipino worker at balikbayan ay nagpapalipas ng bakasyon kasama ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Nalalapat ang vacation ban sa lahat ng BI personnel na naka-deploy sa Ninoy Aquino International Airport gayundin sa mga paliparan sa Clark, Mactan, Davao, Kalibo at Zamboanga.