-- Advertisements --
image 165

Muling iginiit ng Marcos administration na prayoridad pa rin ng mga ito ang seafood self-sufficiency sa kabila ng kanilang planong pag-angkat ng 25,000 metric tons ng isda.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), habang ang import plan ay kinakailangan para masiguro ang sapat na suplay ng isda sa bansa sa closed fishing season, hindi raw ibig sabihin nitong ang fish sufficiency plan ng administrasyon ay makokompromiso na.

Sinabi ni BFAR Information and Fisherfolk Coordination Unit head Nazario Briguera, sa closed fishing season, ang mga corporations ay pinagbabawalan sa pangingisda sa loob ng tatlong buwan para bigyan ng pagkakataon ang mga isda na mag-repopulate o magparami.

Para siguruhing mayroong sapat na suplay ng isda sa wet markets ay inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) noong nakaraang linggo ang pag-angkat n 25,000 metric tons ng frozen round scad o galunggong, bigeye scad, mackerel, bonito at moonfish mula November hanggang January 2023.