-- Advertisements --

Inihayag ni BOC assistant commissioner Vincent Philip Maronilla na tiwala pa rin ang kanilang ahensya na malalagpasan nito ang kanilang monthly goal collection ngayong buwan ng Pebrero.

Target ng ahensya na makolekta ng mas mababa sa P70 billion ngayong buwan.

Ayon kay Maronilla , target nilang makakuha ng P3.5 billion a day na collection

Sinabi ni Maronilla na ang Pebrero ay karaniwang panahon ng imbentaryo, na maaaring makaapekto sa dami ng pag-import.

Nauna nang iniulat ng BOC na lumampas ito sa target na koleksyon noong Enero ng 2.16 porsyento.

Ayon sa paunang ulat nito, nakakuha ang kawanihan ng P73.33 bilyong kita para sa unang buwan ng 2024.

Ang accomplishment na ito ay kumakatawan sa surplus na P1.55 bilyon sa itaas ng target na koleksyon na P71.78 bilyon.

Ang kita na nakolekta noong Enero 2024 ay lumampas din sa mga numero noong nakaraang taon ng P2.74 bilyon, o 3.88 porsyento.

Samantala, ang BOC ay may target na koleksyon na humigit-kumulang P1 trilyon ngayong taon.