-- Advertisements --

Inihayag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na maaari pa ring magsampa ng kasong plunder kahit pribadong pondo ang sangkot, basta’t natutugunan ang mga rekisito ng batas.

Ito ang tugon niya sa depensa ni Senador Rodante Marcoleta na walang sapat na batayan ang reklamong plunder kaugnay ng umano’y hindi idineklarang P75-milyong campaign donation.

Ayon kay Clavano, maaari ring ituring na bahagi ng plunder ang serye ng mga kasong direct bribery mula sa pribadong indibidwal.

Bukod sa plunder, nahaharap din si Marcoleta at ang kanyang mga donor sa reklamong bribery.

Dagdag pa ni Clavano, nasa huling yugto na ang resolusyon ng Office of the Ombudsman at posibleng maisampa sa Sandiganbayan ang kaso sa lalong madaling panahon.