-- Advertisements --
cropped Bureau of Customs 1

Pinangunahan ng Bureau of Customs – Collection District XII ang isinagawang Ceremonial send-off ng mga Durian Exports sa China.

Tampok sa kaganapang ito ang pagsisikap ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno kabilang na ang Department of Agriculture – Bureau of Plant and Industry para sa pagpapa- unlad ng plant industry sa bansa.

Ibinida rin sa programang ito ang walang humpay na pagtatrabaho ng ng DA-BPI upang mapabuti ang produksyon ng mga pangunahing commodities, upang matiyak ang kaligtasan at integridad ng mga pagkaing halaman.

Layunin nitong palakasin ang kontribusyon sa ekonomiya ng Export Industry.

Kung maaalala, hiniling ng Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry noong Setyembre 2018 na magkaroon ng access sa merkado para sa mga sariwang durian sa China.

Dahil na rin sa pag-apruba ng Protocol of Phytosanitary Requirements para sa pag export mula Pilipinas patungo sa bansang China, naging posible ang pag export ng durian sa China.

Ang naturang send-off ceremony ay kumakatawan sa isang makabuluhang milestone para sa plant industry at sa paglago ng ekonomiya ng bansa.