-- Advertisements --
BOC BUILDING

Pinayuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na makipag-ugnayan sa mga lehitimong consolidator upang maiwasang mahulog sa mga mapanlinlang na pamamaraan sa pagproseso ng mga balikbayan box bago ang kapaskuhan.

Nagbabala si BOC spokesperson and Customs Operations Chief Arnaldo Dela Torre Jr. sa mga OFW, lalo na sa mga nasa Middle East, na suriin ang pagiging lehitimo ng mga consolidator bago ang kanilang mga transaksyon.

Dapat tiyakin ng mga OFW, lalo na ang nasa Middle East, na lehitimo ang mga consolidator na kanilang katransaksiyon para maiwasan nila na mabiktima sa mga ganitong scheme.

Pinayuhan nila ang mga kapwa OFW na makipagtransaksyon lamang sa mga consolidator na may magandang katayuan.

Kung ito ay mga bagong consolidator o kahit na sila ay nagseserbisyo o gumagamit ng kanilang konsolidasyon sa loob ng halos limang taon, dapat silang maging mas mapagmatyag at siguraduhin na ito ay lehitimo.

Gayunman, sinabi niya na handa ang BOC sa pagdagsa ng mga packaes bago ang kapaskuhan.