Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. na meron pa siyang ibubulgar kaugnay sa kanyang mga natuklasan mula sa kanyang pinalitan na si suspended BuCor chief Director General Gerald Bantag.
Ginawa ni Catapang ang pahayag sa naging panayam ng Bombo Radyo bilang kasagutan sa alegasyon sa kanya ni Bantag.
Ayon kay Catapang, kinukumpleto lamang niya ang detalye at ilalabas din daw niya ito.
Isa rin sa kanyang inihalimbawa na kanyang pinaiimbestigahan ay ang ginagawang pang-aabuso ng dating mga opisyal ng BuCor sa mga bilanggo at prison personnel.
May isa aniyang, hindi lamang sinaluduhan ang opisyal ay nabugbog at pinagsasaksak pa.
Ukol naman sa dami ng mga bangkay na nakalagak pa sa isang funeral parlor sa Muntinlupa City, patuloy na raw nilang inaalam ang tunay na sakit o ikinamatay ng mga bilanggo.